Iniibig Kita, Panginoon ko; Minamahal Kita, Diyos na totoo. Iniibig Kita, ito'y batid Mo; Ang mga kilos ko, ang saksi nito.
Maligaya ako, Oh, pagkainam! Ang kaligayahanKo'y walang hanggan! Langit ang yaman kong tinititigan, Doon ako'y sabik nang makatahan.
Oh Jesus, buhay ko at kaligtasan, Aking kagalaka't kapahingahan; Magiging paksa ko'y ang Iyong ngalan, Magiging awit ko'y 'Yong pagmamahal.
Sinong katulad ng tagapagligtas? Hari S'ya sa Salem, tulong ay wagas. Ngiti't pag-ibig N'ya ay anong timyas; Aking pupurihin S'ya nang malakas.